Mayor Francis Zamora, sinagot ang mga alegasyon ni Sen. Jinggoy Estrada sa umano’y flying voters sa Lungsod ng San Juan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinagot ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga paratang ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Ito’y makaraang akusahan ni Estrada si Zamora na umano’y nag-aalaga ng may 30,000 flying voters sa lungsod para masiguro ang kaniyang panibagong termino sa Halalan 2025.

Sa isang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni Zamora na walang katotohanan ang mga ibinabato sa kaniya ng mga Estrada.

Kasunod nito, hinamon pa niya si Sen. Jinggoy at kapatid nitong si Sen. JV Ejercito na gamitin ang lahat ng legal na remedyo gaya ng paghahain ng reklamo sa Commission on Elections (COMELEC) para matanggal ang mga sinasabi nitong flying voters.

Nagpatutsada pa si Zamora sa magkapatid na Senador, na huwag magtago sa parliamentary immunity sa halip ay lumabas at patunayan ang kanilang mga paratang. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us