Security pact na bubuuin sa pagitan ng PH at Japan, kakailanganin ng ratipikasyon ng senado — Sen. Tolentino

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit ni Senador Francis Tolentino na kakailanganin ng pag-apruba ng senado ang posibleng defense agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Sinabi ito ni Tolentino sa gitna ng napapaulat na paghahanda ng dalawang bansa na masimulan ang consultations bago magkaroon ng pormal na negosasyon para sa Reciprocal Access Agreement (RAA) o panukalang visiting forces agreement sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Pinaliwanag ng senador na kung ang kasunduan ay bubuuin sa pamamagitan ng isang tratado ay dapat gawin ito alinsunod sa konstitusyon, ng may ratipikasyon mula sa mga miyembro ng mataas na kapulungan.

Sakaling maaprubahan ang kasunduan, mapapahintulutan ang pwersa ng mga Pilipino at Hapon na mag-deploy ng tropa sa teritoryo ng isa’t isa para sa training at iba pang operasyon.

Pinunto ni Tolentino na ang nakabinbing kasunduan ay makapagpapalakas sa defense cooperation sa Indo-Pacific region sa gitna na rin ng tensyon sa South China Sea at West Philippine Sea. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us