Umakyat na sa 3,354 ang bilang ng Individuals in Street Situations ang nabigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mula ito sa tuloy-tuloy na reach out operations ng ahensya sa ilalim ng Oplan Pag-abot Program.
Ayon kay Division Chief Jayson Oabel, sa higit 3,000 natulungan, nasa 2,784 ang napauwi na sa kanilang mga probinsiya sa pakikipagtulungan ng mga local government units (LGUS) na karamihan ay mula sa Calabarzon at Central Luzon.
Higit 900 naman ang dinala sa mga residential care facilities habang 475 ang tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng AICS.
Kasunod nito, hinikayat ng DSWD ang publiko na agad ipagbigay alam sa FB page ng DSWD Pag-abot Program o kaya itawag sa hotline na 89319141 kung may makikitang mga namamalimos sa kalsada lalo na ngayong papalapit na ang Kapaskuhan at marami ang nangangaroling sa lansangan. | ulat ni Merry Ann Bastasa