Rep. Zaldy Co, nagpasalamat sa tulong na ipinaabot ng House Leader hindi lang para sa mga biktima ng bagyo, pati na rin sa pagpapaunlad ng Bicol Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co si Speaker Martin Romualdez sa kaniyang pangunguna sa relief mission na ‘Tabang Bicol, Tindog Oragon.’

Giit ni Co, nakapagpaabot ng malaking tulong para sa mga residente ng Bicol Region na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo ang programa.

Katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), pinaglaanan ng halos ₱850 million na halaga ng tulong ang 170,000 na benepisyaro sa buong rehiyon.

Sa pamamagitan aniya nito, umaasa siyang mabilis na makakabangon ang mga residente.

“This program underscores Speaker Romualdez’s dedication to uplifting Filipinos in need. Our sincerest gratitufe to Speaker Martin and the House of Representatives for bringing hope and concrete assistance to our people. Through this program, we can significantly aid many Bicolanos in recovering from the successive typhoons,” sabi ni Co.

Bahagi ng tulong ang mga food packs at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD at Integrated Shelter Assistance Program (IDSAP) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Sa Catanduanes na pinaka-tinamaan ng Super Typhoon Pepito, naglaan ng housing kits sa pamamagitan ng Housing Materials and Essentials (HOME) sa 950 residente na nawasak ang mga kabahayan. Kada kit at may galvanized iron sheets, plywood, coco lumber, at mga pako, para sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Inilapit na rin aniya niya kay Speaker Romualdez ang planong pagpapatayo ng water impounding facilities sa mga lugar na laging binabaha.

Tutugunan nito ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan at magsisilbing irrigation system naman sa panahon ng tagtuyot.

Nangako rin ng tulong ang House Speaker sa pagsasa-ayos ng matagal nang problema ng suplay ng tubig at kuryente sa lalawigan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us