Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Air Force (PAF) sa mga nasalanta ng Super Bagyong Pepito sa lalawigan ng Catanduanes.
Ayon sa Air Force, ito ay bahagi pa rin ng kanilang Humanitarian Assistance at Disaster Relief operations sa nasabing lalawigan na siyang unang nakatikim ng hagupit ng super bagyo.
Sakay ng C-130 aircraft, inihatid ng Air Force ang nasa 5,600 kahon ng Family Food PAcsk mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula Mactan, Cebu patungong Virac.
Bukod sa tulong, layon din ng naturang Airlift operations na magbigay pag-asa sa mga taga-Catanduanes para sa pagbangon nito mula sa pinsalang idinulot ng bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala