Defense Ministers ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia, nagkaisa sa panawagan ng isang malayang Indo-Pacific Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkakaisa ang limang magkaalyadong bansa na nakapalibot sa Indo-Pasipiko para sa bukas at malayang rehiyon kung saan, iginagalang ang international law at soberanya ng bawat bansa.

Ito ang naging buod ng pagpupulong ng mga Defense Minister ng Pilipinas, Amerika, Japan, South Korea, at Australia sa isinagawang ASEAN Defense Ministers’ Meeting sa Vientian, Laos.

Kabilang sa nakipagpulong ay sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., US Defense Secretary Lloyd Austin III, Japan Defense Minister Nakatani Gen, Republic of Korea Defense Minister Kim Yong-hyun, at Australian Minister for Defense Industry Pat Conroy.

Sa inilabas na Joint Statement, iginiit ng mga opisyal ang kahalagahan ng pagkakaisa ng ASEAN pagdating sa usaping pang-seguridad sa rehiyon.

Ginawa ang pahayag sa gitna na rin ng nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea na suportado ng mga bansang nasa labas ng Southeast Asia. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us