Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatupad ang buong puwersa nito laban sa mga grupo o indibiduwal na magtatangkang pabagsakin ang halalan 2025.
Sa Change of Command ng Western Mindanao Command (WESMINCOM), inatasan ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr ang mga sundalo na maghanda.
Sabay kasi aniyang isasagawa ang Parliamentary elections sa Mid-Term National at Local elections sa Mayo kung saan, inaasahan ang mainit na tunggalian sa pulitika.
Mahigpit na binabantayan ng AFP ang Sibutu Passage na nasa hangganan ng Tawi-Tawi at Basilan na bahagi ng Kalayaan strategy para sa Maritime Defense. | ulat ni Jaymark Dagala