Pinarangalan ng Contact Center Association of the Philippines (CCAP) ang Department of Finance (DOF) para sa patuloy nitong pagsuporta sa pagpapalago at pagpapalakas ng kompetisyon ng information technology at business process management (IT-BPM) industry ng Pilipinas.
Iginawad ng CCAP, ang opisyal na samahan ng mga contact center sa bansa, ang isang commemorative plaque sa DOF, bilang pagkilala sa mga hakbang nito sa pagsusulong ng industriya.
Ang parangal ay bahagi ng kampanyang “Philippines: The Heart of CX” ng CCAP, na naglalayong panatilihin ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon para sa customer experience services sa pamamagitan ng inobasyon, pagpapaunlad ng talento, at digital transformation.
Ang pagtutulungan ng CCAP at mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DOF ay nagpapakita ng pinag-isang layunin upang gawing lider ang Pilipinas sa IT-BPM sector.
Pinuri naman ng kagawaran ang CCAP para sa patuloy nitong pagsisikap na lumikha ng trabaho, palakasin ang kapasidad ng bansa sa komunikasyon at digitalisasyon, at isulong ang responsableng integrasyon ng artificial intelligence sa sektor. | ulat ni Melany Reyes