Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng cash assistance sa may 3,000 mga indibidwal sa Calbayog, Samar.
Sa ilalim ng CARD program, pinagkalooban ang mga senior citizens, persons with disabilities, single parents at mga mahihirap nating mga kababayan ng P5,000 na financial aid at tig-10kg na bigas.
Layon ng CARD program na tiyakin na may pambili ang mga benepisyaryo ng kanilang pangunahing pagkain sa gitna ng ibat ibang hamon.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez , ang CARD Program ay hindi lamang pagbibigay ng ayuda kundi isang tugon sa mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan. Sa bawat kilong bigas at piso ng ayuda, ay naipadama natin ang malasakit ng pamahalaan. | ulat ni Melany Reyes