Higit P50-M Presidential assistance, ipinagkaloob sa Nueva Vizcaya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng tulong-pinansiyal ang Office of the President (OP) para sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito sa Nueva Vizcaya.

Matapos ang aerial inspeksyon, iniabot ng Pangulo ang tsekeng nagkakahalaga ng P50 million sa lokal na pamahalaan.

Nasa P2.5 million, ang mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nagtungo ang Pangulo sa Nueva Viscaya upang personal na makita ang lawak ng pinsala ng bagyo at para kumustahin ang mga residente doon.

“Kaya po ito lahat ay pinagsasama-sama natin kasi ang aming gagawin ay mula ngayon, we will continue to distribute itong relief goods hanggang hindi na nangangailangan ang ating mga kababayan, ang mga tiga-Vizcaya,” —Pangulong Marcos.

Sa kaganapan, siniguro ni Pangulong Marcos na aalalayan ng pamahalaan ang mga komunidad na sinalanta ng kalamidad hanggang sa tuluyang makabangon ang mga ito.

“Tuloy-tuloy ‘yan hangga’t makabalik na kayo sa inyong tinitirahan at kaya na ninyong bumalik sa dati ninyong buhay,”  —Pangulong Marcos. Batay sa tala ng PDRRMO, nasa higit 5,200 pamilya ang apektado ng nagdaang bagyo sa Nueva Vizcaya. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us