Binuksan na ngayong araw ang sampung animal welfare desks sa mga police stations sa lungsod ng Iloilo kasunod ng isinagawang opisyal na paglulunsad.
Isang programa ang idinaos sa Tanza Police Station na dinaluhan ng mga opisyal ng Iloilo City Government at Iloilo City Police Office.
Sa pamamagitan ng Animal Welfare Center, mapaiigting pa ang pag-monitor ng mga reklamo sa animal welfare, mapalago ang anti-rabies awareness program, at animal rescue ayon kay City Veterinarian Dr. Fernando Abulencia.
Magiging mga animal welfare enforcement officers ang kapulisan na tatanggap ng mga reklamo tungkol sa animal cruelty at animal welfare. | ulat ni Jenel Baclay | RPI Iloilo