Bibigyang prayoridad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program ang mga informal settler sa Metro Manila, na nakatira sa danger zones, tulad ng mga estero.
Pahayag ito ni Housing Secretary Jose Acuzar, kasunod ng insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila, kung saan tatlong indibidwal ang nasawi dahil sa pagbagsak ng isang puno sa bahay ng mga ito.
“Alam po ng ating Presidente na napakahirap ng kalagayan ng mga nasa estero. Kaya inutusan nya ako na madaliin at ayusin ang mga estero,” ani Secretary Acuzar.
Ayon sa kalihim, ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bigyang prayoridad sa pabahay program ang mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi ng kalihim na mayroong susunding plano ang pamahalaan para sa proyektong ito.
“The moment we relocate the ISFs, we will introduce and implement the development plans along the easements to prevent squatting… ‘pag nilagyan mo ng development yan, nilagyan mo ng park, nilagyan mo ng garden, sigurado kami wala nang mag-squat,” — Secretary Acuzar.
Mayroon na aniyang ginagawang resettlement area ang pamahalaan para dito.
“The moment we relocate the ISFs, we will introduce and implement the development plans along the easements to prevent squatting… ‘pag nilagyan mo ng development yan, nilagyan mo ng park, nilagyan mo ng garden, sigurado kami wala nang mag-squat,” — Secretary Acuzar.
Mayroon aniyang isang property sa North Harbor, na maaaring lagyan ng medium-rise na housing at in-city resettlement.
Ayon sa kalihim, sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program, magpapatupad ng mga praktikal na solusyon ang gobyerno habang ikinukonsidera ang lahat ng anggulo para sa patuloy na development. “Sa pamamagitan ng programang ito, mayroon silang pag-aari, Magkakaroon sila ng sariling yaman… sa magandang lugar, in-city,” — Secretary Acuzar. | ulat ni Racquel Bayan