Mga hakbang para sa mas ligtas na kabataan sa Pasay, ibinida  ni Mayor Calixto-Rubiano

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabigat ang mga binitawang pahayag ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano sa 22nd State of the City’s Children Address (SOCCA), na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating A Safe Philippines!”. 

Binigyang diin ni Rubiano ang kahalagahan ng pagprotekta sa kabataan sa lahat ng klase ng karahasan at pang aabuso.

Ipinunto din ng alkalde, ang commitment ng lungsod sa paglikha ng ligtas at mapag alagang kapaligiran para sa lahat ng kabataang Pasayano. 

Kaugnqy nito ay inisa-isa ng ina ng Pasay ang mga kasalukuyang inisyatiba ng lungsod para sa mga kabataan kabilang ang pagpapalakas ng law enforcement, pagbibigay ng support services para sa mga biktima, at pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa karapatan ng mga kabataan.

Giit ni Calixto-Rubiano, ang kabataan ay ang ating kinabukasan dahilan para gawin natin ang lahat para maprptektahan ang mga ito. Hindi aniya ito isa lang responsibilidad kundi isang pangako na dapat yakapin ng bawat isa. | Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us