Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagpalipas ng gabi si Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Aniya, umaga ng Huwebes ay nakatanggap sila ng mensahe o abiso na darating ang bise presidente.
Dinalaw niya ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez, na nakadetine sa Kamara matapos ma-contempt.
Bandang alas-8 ng gabi dumating ang vice sa Kamara at nag-usap aniya sila ni Atty. Zuleika Lopez ng hanggang alas-10 ng gabi.
Matapos nito ay dumiretso ang bise sa opisina ni Representative Paulo Duterte, kanyang kapatid, at doon natulog.
Mahigpit na siguridad ang ipinapatupad sa Kamara ngayon dahil ito.
Ayon kay Velasco, wala pa ring abiso kung hanggang kailan magtatagal ang bise sa Kamara. | ulat ni Kathleen Forbes