Sen. Joel Villanueva, nais mabigyang linaw ang pagkakaiba ng AICS at AKAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gusto ni Senador Joel Villanueva na mabigyang linaw na muna ang pagkakaiba ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ito ang tugon ni Villanueva sa mungkahi ni Senator Imee Marcos na pagsamahin na lang ang AICS at AKAP.

Giit ng senador, mahalagang matalakay muna kung ano ang nais mapagtagumpayan sa bawat programa at kung sino ang target na ma-address ng AKAP.

Wala naman aniya siyang problema sa AKAP pero nais niyang maunawaan pa muna ng husto ito.

Matatandaang sa naging plenary deliberations ng panukalang 2025 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ibinahagi ni Senador Imee na inalis niya sa kanilang bersyon ng budget bill ang P39.8 billion na pondong nakalaan para sa AKAP sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill (GAB) na mula sa Kamara.

Ikinalat ni Marcos ang pondong ito sa ibang programa ng DSWD gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Kalahi-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services), at Sustainable Livelihood Program. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us