Lumawak pa sa 41,076 ektarya ng lupang sakahan ang napinsala ng mga bagyo sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), posible pang madagdagan ito dahil hindi pa tapos ang assessment sa affected areas.
Sa ngayon, nasa 34,111 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Sa tala ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), lumobo na sa P785.68 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura at 30,366 metric tons ang dami ng produkto ang hindi na napakinabangan.
Lubhang naapektuhan ng Bagyong Nika, Ofel at Pepito ang mga pananim sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas.
Kabilang sa mga nasirang pananim ang palay, mais, high-value crops, livestocks at pangisdaan, at mga pasilidad sa agrikultura.| ulat ni Rey Ferrer