Isasara pansamantala sa mga motorista ang Oranbo Dr. sa Barangay Oranbo sa Pasig City tuwing araw ng linggo simula ngayon, Nobyembre 24 hanggang Disyembre 22, 2024.
Sa abiso ng Pasig City Goverment, ang pagsasara ng kalsada ay para bigyang daan ang Christmas Activities para sa publiko.
Ipapatupad ito mula alas siyete ng umaga hanggang matapos ang mga aktibidad.
Muling uulitin ang Christmas event sa susunod na mga Linggo ng Disyembre 8, 15 at 22.
Nagtalaga naman ng alternate route ang LGU para hindi maabala ang biyahe ng mga motorista.
Pinapayuhan ang mga ito na gamitin muna ang mga itinalagang alternate route sa Capt. Henry Javier St., Danny Floro St., at Shaw Boulevard.| ulat ni Rey Ferrer