Binunot at sinunog ng pinagsanib na pwersa ng Phillippine Army at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 10,400 piraso ng fully grown marijuana plants sa Benguet Province.
Pagtaya ni PDEA Regional Office I Regional Director Joel Plaza, abot sa P2.080 million ang halaga ng marijuana plants ang kanilang nasira.
Aniya, nadiskubre ang tatlong plantasyon ng marijuana sa may 1,550 square meters na bulubunduking lugar sa Sitio Manggahan, Barangay Kayapa, Bakun Benguet.
Nauna nang sinalakay ng mga awtoridad ang kalapit ding lugar na may lawak na 1,900 square meters at may tanim na marijuana.
Pagtaya ng PDEA,nasa P2. 6 million ang halaga ng marijuana plants ang kanilang sinira at sinunog sa lugar.| ulat ni Rey Ferrer