Patuloy na nilalamon ng apoy ang isang residential area sa Isla Putingbato sa Tondo, Maynila, umaga ng Linggo, Nobyembre 24.
Maitim na usok ang pumapalibot sa lugar dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials.
Nagtutulungan ang mga residente sa paglikas ng kanilang mga gamit, kabilang ang mga washing machine, refrigerator, TV, gayundin ang mga alagang hayop, at kani-kanilang mga sasakyan, patungo sa kalsada ng Manila International Container Terminal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa Task Force Bravo ang alarma bandang 10:13 ng umaga. Mahigit dalawang oras na ang sunog na ito, sa kabila ng pagtutulungan ng nasa 25 bumbero, apat na fire boat, at Philippine Air Force na gumagamit ng bambi bucket mula sa Manila Bay.
May nakaantabay nang mga ambulansya mula sa Red Cross at Manila Disaster and Risk Reduction Office upang magbigay ng agarang tulong.| ulat ni EJ Lazaro