Ipinag-utos na ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagpapadala ng mga family food packs sa mga pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.
Partikular na inatasan ni Secretary Gatchalian ang Disaster Response Management Group na agad makipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office ng Maynila.
Ito’y para sa agarang assessment sa pinsala at kung anong mga paraan ng interbensyon ang maaaring ibigay ng DSWD.
Nakahanda na ring ipadala sa Isla Puting Bato ang mga food packs mula sa National Resource Operations Center sa Pasay City.
Kasabay nito,ang pagdeploy din ng Mobile Command Center (MCC) ng Field Office-National Capital Region, para mabigyan ng Wifi connectivity ang mga nasunugan para matawagan ang kanilang mga kaanak at mahal sa buhay. | ulat ni Rey Ferrer