Inalmahan ng mga kongresista mula sa administrasyon at oposisyon ang paratang ng Bise Presidente na ginagamit ng Kamara ang mga congressional hearings para sa politika at eleksyon.
Para kay House Majority Leader Mannix Dalipe, isa itong insulto sa Kongreso, lalo na sa taumbayan na may karapatang malaman kung paano ginamit ang milyong pisong pondo.
“This isn’t about elections, fundraising, or petty politics. It’s about where the millions if not billions of pesos in taxpayers’ money went. Instead of explaining, the Vice President resorts to profanity and baseless accusations. These tantrums won’t hide the truth. She can lash out all she wants, but the question remains: Where did the money go? Until she answers that, her expletives are just noise meant to distract from her glaring lack of transparency,” ani Dalipe
Pinabulaanan naman ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua ang pahayag ng pangalawang pangulo na may mga kongresista na humihingi ng paumanhin sa kaniya.
Sabi pa ni Chua, imbes na mga insulto at paratang ay mas mabuting sagutin na lang niya kung saan at paano ginastos ang P612.5 million na confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd).
“The Vice President’s foul language cannot cover up her foul record. Her decision to hurl insults instead of providing answers reeks of desperation. Profanity won’t erase the stench of corruption. Let me be clear: No one in the House apologized to her, nor do we need to. If she truly has evidence, let her bring it forward. Otherwise, it’s just another pathetic attempt to discredit a legitimate investigation,” giit ni Chua
Sa panig naman ni House Quad Comm Lead Chair Robert Ace Barbers ang mga patutsada na ito ng pangalawang pangulo ay para na lang mailihis ang atensyon sa mga natutuklasang anomalya sa mga pag-dinig.
Paalala pa niya na isa sa campaign promise ng UNITEAM ay ang magpatupad ng reporma sa gobyerno para sa transparency at accountability kaya hindi ito masasabing politically motivated.
“This isn’t about 2028 or her presidential ambitions. It’s about ensuring that every peso of taxpayer money is used properly. If she can’t answer simple questions about how confidential funds were spent, the public has every right to question her integrity,” sabi ni Barbers.
Hamon tuloy ni House Deputy Majority Leader Rep. Paolo Ortega, gamitin ng bise ang kaniyang tapang sa pagharap sa Blue Ribbon Committee at magpaliwanag.
“Kung kaya niyang maglabas ng matapang na pahayag na parang wala namang sense, dapat kaya rin niyang harapin ang Blue Ribbon Committee at ipaliwanag ang paggamit ng P612.5 milyong confidential funds. Tama na ang drama at budol… Instead of spewing seemingly unintelligible threats, she should use that spunk to clarify the serious allegations surrounding her office,” punto ni Ortega.
Ganito rin ang posisyon ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña.
Sabi niya na imbes na magmatigas at mambully ng empleyado ng Kongreso, ay sagutin na lang niya ang mga tanong sa paggastos niya ng pera ng OVP at DepEd.
“If she’s raring and ready to pick a fight then she should face the House panel and take her oath. Imbes na magpakabratinella at ibully niya ang mga empleyado ng Congress, sagutin niya ang mga tanong tungkol sa paggastos niya sa pera ng OVP at ng DepEd,”
Dapat din aniya panagutin ang bise sa mga naging pahayag nito na ipapapatay ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil kung walang magiging aksyon dito ay mamimihasa aniya siya sa ganitong pag-aasal.
“Mamimihasa lang si Sara kung hahayaan lang natin siya na hindi managot sa mga pananakot niya. Just like her father she savors the brazen impunity which she enjoys by reason of her office or because we permit it through our inaction,” sabi ni Cendaña. | ulat ni Kathleen Forbes