13 SUCs na bahagi ng libreng review program ng CHED, nagtala ng mataas na passing rate sa pinakahuling licensure exam para sa agriculturist

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Commission on Higher Education (CHED) ang naitalang pagtaas sa passing rate ng 13 unibersidad at kolehiyo na naging bahagi ng libreng review program ng komisyon katuwang ang University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Ayon sa CHED, tumaas sa hanggang 100% ang passing rate sa mga SUC partikular ang Sulu State College (SSC), Tawi-tawi Regional Agricultural College (TRAC), at Romblon State University (RSU).

Sa tulong ito ng ExcelLEArate Program, na isang libreng online structured review program na pinondohan ng CHED at ipinatupad ng UPLB para sa mga estudyante mula sa piling SUCs sa mga malalayong lugar na walang review centers.

Ayon kay CHED Chair Popoy de Vera, dahil sa tagumpay na ito, target nilang simulan na rin ang mga libreng review program para sa forestry, veterinary medicine, nursing, at teacher education sa susunod na taon.

Kabilang pa sa lumahok na SUCs sa programa ng CHED at UPLB ang Capiz State University-Tapaz Campus at University of Eastern Philippines-Catubig Campus ay nakapagtala ng higit sa 70% na pagtaas sa kanilang passing rate.

Nasa higit 60% naman sa Northwest Samar State University – San Jorge Campus at Quirino State University habang tumaas rin sa 42% ang Kalinga State University. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us