Presyo ng karneng baboy, asahan nang tataas pagsapit ng Disyembre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lamang, inaabisuhan na ng mga nagtitinda ng karne ng baboy sa Pasig Mega Market ang kanilang mga suki.

Ito’y dahil sa inaasahang tataas pa ang presyo nito sa ₱5 hanggangt ₱10 kada kilo pagsapit ng Disyembre dahil sa inaasahang pagtaas din ng demand habang papalapit ang Pasko.

Paliwanag ng mga tindero ng baboy, karaniwan na ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga paninda pagsapit ng unang linggo ng Disyembre at nagtutuloy-tuloy na ito hanggang bago mag-Bagong Taon.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang paggalaw sa presyo ng baboy na naglalaro pa rin sa ₱320 ang kada kilo ng kasim habang nasa ₱370 ang presyo ng liempo.

Una nang tiniyak ng National Federation of Hog Farmers na sapat ang suplay ng karneng baboy ngayong magpa-Pasko at Bagong Taon.

Gayunman, sinabi rin ng Department of Agriculture na kung gagalaw man ang presyo ng baboy sa pamilihan ay maliit lamang ito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us