Tumulong din ang Philippine Air Force (PAF) sa pag-aapula sa malaking sunog na sumiklab sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila kahapon, November 24, 2024.
Gamit ang kanilang mga Black Hawk, B205 at SOKOL helicopters, nagsagawa ang Air Force ng hell-bucket operations, nagbagsak sila tubig sa mga nasusunog na bahay sa lugar.
Nagsimula ang sunog dakong 8am na umakyat sa Task Force Charlie kung saan, tinupok ang mahigit 1,000 bahay habang mahigit 2,000 pamilya ang naapektuhan.
Idineklara namang FIRE OUT ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog dakong 4pm kung saan, tinatayang aabot sa humigit kumulang P4-M ang iniwang pinsala nito sa ari-arian. | ulat ni Jaymark Dagala