Nakapwesto pa rin sa labas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ang ilang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay habang naka-confine sa ospital ang kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez.
Dito sa Gate 1 ng VMMC, as of 6:30am, may humigit kumulang 10 supporters at vloggers ang nananatili ngayong umaga.
Kagabi, nagkaroon na ng vigil ang mga taga-suporta na tumagal hanggang pasado alas-dose ng hatinggabi.
Ang ilan sa mga ito, hindi na umuwi at pinili nang magpalipas ng gabi rito para mabantayan daw ang sitwasyon sa ospital.
Ang iba naman daw sa kanilang mga kasamahan ay sa Batasan magtitipon-tipon.
Samantala, hindi pa rin bumisitang muli sa Veterans Memorial Medical Center si VP Duterte. | ular ni Merry Ann Bastasa