Sen. Jinggoy Estrada, naniniwalang di mauuwi sa constitutional crisis ang tensyon sa pagitan ng 2 pinakamataas na opisyal ng bansa 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi hahantong sa constitutional crisis ang tensyon ngayon sa pagitan ng dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Ayon kay Estrada, kailangan lang na may mamagitan sa pagitan ng dalawang panig gaya na lang ni Senator Imee Marcos na kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at kaibigan naman ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi pa ng senador, na ipagdadasal niya na magkasundo na ang dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Ito lalo na aniya’t sa ganitong sitwasyon ay ang taumbayan ang apektado at nagdudusa.

Sang ayon naman si Estrada na kailangang higpitan ang seguridad ni Pangulong Marcos at imbestigahan ang banta sa buhay nito, lalo’t siya ang head of state ng Pilipinas.

Kahit sino naman aniya na may banta sa kanilanag buhay, mapa-senador o congressman man, ay dapat dagdagan ang seguridad kung nahaharap sa ganitong banta. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us