Inanunsyo ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, na hindi dadagdagan ang bilang ng motorcycle taxi sa Metro Manila.
Pahayag ito ni Guadiz sa mga mali at misleading information tungkol sa hindi raw kontroladong pagdami ng motorcycle taxis.
Mananatili aniya ang bilang ng MC taxis sa 45,000 na pinahintulutang makabiyahe tatlong taon na ang nakakalipas.
Sabi pa ni Guadiz, ang karagdagang bilang ng MC taxis ay inaprobahan lamang sa Regions 3 at 4.
Pinabulaanan din ng LTFRB Chairperson ang mga alegasyon na hindi nagsumite ng resulta ng pag-aaral ang Technical Working Group para sa MC taxi, na naging batayan ng pagpasa ng panukalang batas sa Kamara de Representantes.
Iginiit ng LTFRB na tatlong motorcycle ride-hailing company lamang ang awtorisadong mag-operate sa buong bansa, ito ay ang Angkas, Move It at Joy Ride. | ulat ni Rey Ferrer