Katuwang ang Development Bank of the Philippines (DBP) at Planters Products Inc., inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Agri-Puhunan at Pantawid Program(APP).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nilalayon nito na baguhin ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka ng palay sa buong bansa.
Idinisenyo ang programa upang pahusayin ang rice productivity, tiyakin ang food security at isulong ang sustainability.
Ito’y sa pamamagitan ng pagbibigay sa qualified farmers ng P28,000 input credits kada ektarya at P32,000 na tulong pinansyal, na babayaran sa loob ng apat na buwan.Ang pautang ay may mababang interes rate na 2 porsiyento.
Sa ilalim ng programa, ang DBP ang mangangasiwa ng mga pautang at magpapadali sa pag-access, habang ang Planters Products ang titiyak sa abot-kayang mga pataba at farm inputs na magagamit ng mga magsasaka.
Ang Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) naman ang mag-aalok ng insurance coverage, habang ang National Rice Program ng DA ang magbibigay ng mataas na kalidad na mga buto ng palay.
Samantala, ang National Food Authority (NFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ready buyers ng harvest ng mga magsasaka.| ulat ni Rey Ferrer