China, kinumpirmang walang nakaligtas kabilang na ang 5 Pilipino sa paglubog ng fishing vessel nito sa Indian Ocean

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Pamahalaan ng China na nasawi nga ang may 39 na tripolante kabilang na ang limang Pilipino na lulan ng fishing vessel na Lu Peng Yuan Yu 028.

Ito ang iniulat ng Chinese Transport Minister na si Li Xiaopeng sa mga bansang kalahok sa Search, Rescue and Retrival Operations kabilang na ang Philippine Coast Guard (PCG).

Mayo 16 nang napabalitang lumubog ang nasabing barko sa katubigan ng Indian Ocean, kung saan maliban sa limang Pinoy ay may kasama pa itong 17 Indonesian nationals.

Sa ulat ng Chinese Transport Ministry, nananatili sa Indian Ocean ang kanilang mga barko para hanapin ang labi ng may 12 tripolante na sakay ng life boat.

Wala pa namang pahayag hinggil dito ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kung ano ang ibibigay na tulong ng pamahalaan sa pamilya ng limang Pilipino na kabilang sa mga sakay ng lumubog na barko. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us