Tinawag na fake news ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patungkol sa kumakalat ngayon sa social media platform na TikTok.
Ito’y may kaugnayan sa di umano’y pagkilos ng mga sundalo para suportahan si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa AFP Public Affairs Office, walang katotohanan ang viral post na sumasawsaw ang militar sa mga kasalukuyang bangayan sa pulitika.
Giit ng AFP, nagdudulot lamang ito ng ‘misinformation’ at ‘disinformation’ sa publiko kaya’t hindi ito kukunsintihin lalo’t ang layunin nito ay pagwatak-watakin ang mga Pilipino.
Una nang nanindigan ang AFP na mananatili silang non-partisan at mananatili silang tapat sa Saligang Batas gayundin sa Pangulo ng Republika na siya ring tumatayo nilang commander-in-chief. | ulat ni Jaymark Dagala