Tumanggi na muna si Senadora Imee Marcos na magkomento tungkol sa pagbabanta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand R. Mrcos Jr.
Matatandaang malapit ang presidential sister kay VP Sara.
Ayon kay Senadora Imee, papakinggan na muna niya ang naging sagot ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos sa mga pahayag ni VP Sara.
Sa ngayon ay hindi pa aniya nakakausap ng senadora ang kanyang kapatid tungkol sa usaping ito.
Samantala, tinanggi naman ng mambabatas na binisita niya ang bise presidente sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
Nagkataon lang aniyang nagpunta rin siya ng veterans.
Nang matanong naman kung handa siyang maging tulay para magkausap o kung sakali ay mapagkasundo ang presidente at bise presidente ng Pilipinas, sinabi ni Senadora Imee na babasahin muna niya ang mga statement.| ulat ni Nimfa Asuncion