Nagtutulungan na ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas, kaugnay sa naging banta ni Vice President Sara Duterte sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na hindi personal ang pagkilos na ito ng pamahalaan.
Gayunapaman, kailangan aniyang pakakasin ang mga institusyon ng gobyerno at isulong ang Konstitusyon.
“I hope people understand that, there is nothing personal about this, but things happened, because we have to strengthen our institutions and we will do what is necessary under the Constitution and in accordance with the Constitution.” —Andres.
Ayon sa opisyal, isang pagkakataon na rin ito, upang ipakita sa taumbayan na walang kinikilala ang batas, at papapanagutin nito ang mga mapapatunayang nagkasala.
“No one is above the law and that accountability can be exacted from anybody, so that people will now give respect to the law.” —Andres.
Aniya, kung hindi kasi ipatutupad ang batas sa mga makapangyarihan at ma-impluwensyang tao, anong klaseng pamahalaan, mayroon ang bansa.
“If we are not able to apply the law to other people who have influence and power, what kind of government can we provide? So that is what’s at stake here.” —Andres.
Pagbibigay diin rin ng opisyal, ang banta sa pangulo ay maituturing na banta sa bawat Pilipino, lalo’t ang pangulo ang inaasahang magsi-serbisyo sa taumbayan.
“And that should be the view of every Filipino. A threat to the President, is a threat to every Filipino because he is the one expected to deliver the service. And if he is impeded because of a death threat, then it is a disservice to our people,” —Andres.| ulat ni Raquel Bayan