Naniniwala si Office of the Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na may problema na sa pag-iisip si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Ito’y matapos ang kanyang mga naging aksyon nitong mga nakaraang araw laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Sinabi ni Gadon na kailangan na ng Pangalawang Pangulo na komunsulta sa doktor.
Hindi kailanman, aniya, nangyari sa isang nakaupong Bise Presidente ang nagmura, nagbanta na papatay, at hindi gumalang sa kapwa institusyon ng gobyerno. | ulat ni Mike Rogas