Rice subsidy program, inilunsad ng Caloocan LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Caloocan LGU ang pamamahagi ng bigas sa ilalim ng rice subsidy initiative nitong Relief Initiatives for Community Empowerment (RICE) program.

Ayon kay Mayor Along Malapitan, target na benepisyaryo dito ang bawat pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Layon nitong palakasin ang food security measure sa lahat ng mga residente sa Caloocan lalo na ngayong magpa-Pasko.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kanyang dedikasyon na mapabuti pa ang kalidad ng buhay ng kanyang mga nasasakupan habang patuloy na pinalalawak din ang mga proyektong pangkabuhayan at trabaho na makapagpapa-angat sa estado nila sa buhay.

“Wala pong patid ang pagtutok ng buong pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na po para sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan,” pahayag ni Mayor Along Malapitan. | ulat ni Merry Ann Bastasa