Mga tauhan ng Office of Sergeant-at-Arms ng Kamara, nakabantay pa rin sa VMMC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling nakabantay ang ilang tauhan ng Office of Sergeant-at-Arms ng Kamara sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) habang naka-confine dito si Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez. 

Ito ay habang ipinatutupad at pinalawig pa ang Contempt Order ng Kamara laban kay Lopez. 

Ito na ang ikaapat na araw na pamamalagi ni Lopez sa VMMC matapos na dalhin ito noong Sabado mula sa Kamara. 

Kagabi, muli rin itong binisita ni Vice President Sara Duterte at maging ni Senador Bato dela Rosa.

Sa mga oras na ito, nananatiling tahimik ang sitwasyon sa labas ng Valdez Hall ng VMMC na bantay-sarado ng mga tauhan ng Vice Presidential Security Group (VPSG).  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us