Outdated electrical equipment ng NAIA 3, isa sa dahilan ng May 1 brownout sa paliparan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lagpas na sa life expectancy ang electrical equipment ng NAIA 3 ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Batay ito sa paunang findings ng binuong fact finding committee na nag imbestiga sa Labor Day brownout sa naturang paliparan.

Sa muling pagharap ng mga opisyal ng DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA) sa Kamara, sinabi ni Transportation Undersecretary Roberto Lim, na kanilang ikinonsidera na nasa 20 taon na mula nang maitayo ang pasildad.

Naging hamon din aniya ang pag mentina sa palipran dahil walang proper turn over ng kabuuang plano o as built plan nito mula sa original contractor na Takenaka.

Natukoy naman, na ang sanhi ng second tripping na naganap ng hapon ay dahil sa short circuit sa Roadway Substation 1 ngunit may iba pang posibleng sanhi na kanilang iniimbestigahan.

Aminado rin ang DOTr, na kulang ang technical expertise ng mga tauhan ng MIAA para tumugon sa naturang electrical issue bukod pa ito sa sadyang kulang ang kanilang tauhan na competent o may expertise dito.

Lumalabas na dalawa lang kasi ang electrical engineer ng MIAA. Binigyang diin naman ng opisyal, na walang negligence sa parte ng maga tauhan dahil sinunod naman nila ang umiiral na procedures pagdating sa paano ito dapat aksyunan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us