Kinilala ni Finance Secretary Ralph Recto ang kontribusyon ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) sa revenue collection ng bansa.
Sinabi ni Recto, itinaas ng GCG ang standard ng corporate governance ng GOCCs at gawin silang “profitable partners” para sa national progress sa pamamagitan ng sustained dividend remittance.
Aniya, dahil sa mahigpit na governance scorecard at evaluation system ng GCG naging malinaw na ang pagpapatupad ng hangarin na maging standard ang panuntunan ng mga GOCC.
Ginawa ni Recto ang pahayag sa ginanap na annual awards ceremony ng GCG, sa mga top performing GOCC sa bansa.
Simula nang itinatag ang GCG noong 2011, umaabot na sa P56 billion kada taon ang ini-reremit na dibidendo sa national treasury, higit na mas mataas ng limang beses sa annual remittance ng mga GOCC mula 2002 hanggang 2011.
Ngayon lamang October 2024, nakapag remit na ng P95.90 billion na dibidendo, mas mataas ng 51 percent kumpara sa parehas na buwang noong 2023.
Ang GOCC dividend ay major source ng non-tax revenue ng gobyerno, upang makalikom ng mas maraming pondo nang hindi nagtataas ng buwis. | ulat NI Melany Valdoz Reyes