Aprubado na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng karagdagang mahigit 8,000 metric tons ng Small Pelagic Fish.
Ito ay upang matugunan ang kakulangan sa suplay ng isda dulot ng magkakasunod na bagyo na tumama sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan nang i-adjust ang Certificate of Necessity to Import para sa 30,000 metric tons ng frozen small pelagic fish gaya ng galunggong at mackerel para sa 4th Quarter ng 2024.
Sabi pa ni Tiu Laurel, hindi aniya makakaapekto ang 8,000 metric tons sa dating inilaan na maximum importable volume habang ang 280 metric tons ay ilalaan sa KADIWA ng Pangulo Centers. | ulat ni Rey Ferrer