Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang maayos na pagpapatupad ng programa at interbensyon sa mga Children In Conflict with the Law (CICLs).
Pahayag ito ng DSWD, kasabay ng selebrasyon ng ika 13th Juvenile Justice and Welfare Conciousness Week, na pinasimulan noong Nobyembre 24 hanggang 30.
Para sa selebrasyon ng CICLs ngayong taon, ipinapakita nito ang importansya ng pagbibigay ng pag-asa sa mga CICL at Children at Risk, upang muling magkaroon ng panibagong pag-asa at positibong pananaw sa buhay.
Ang Juvenile Justice Week ay nagsisilbi ding platform para sa mga duty-bearer at stakeholders, na nagpapakita ng pagprotekta sa karapatan at dignidad ng mga kabataan.
Ang JJWC ay kabilang sa attached agency ng DSWD, na siya namang nangunguna sa week-long celebration para sa Juvenile Justice Week.
Ang taunang event ay ginaganap tuwing ika-apat na linggo ng Nobyembre bawat taon bilang pagkilala sa National Children’s Month (NCM). | ulat ni Rey Ferrer