Physician solon, dumipensa sa akusasyong bias ang isang ospital sa pagtingin sa kalagayan ng OVP Chief of Staff

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang isang doktor, kinontra ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang pagkuwestyon ni Senator Ronald Dela Rosa sa mabilis na pag-release ng St. Lukes Medical Center kay Office of the Vice President Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez, nang dalhin ito sa naturang ospital para sa check-up.

Paalala ni Garin, ang mga ospital ay may mga sinusunod na protocol para sa patient care.

Aniya, marahil nakita ng ospital na wala naman pangangailangan na i-admit si Lopez sa ospital.

Paalala pa niya na marami ang nagkakasakit at posibleng may mas nangangailangan ng hospital bed.

“Mali po ang sinasabi niya na bias ang St. Luke’s Medical Center, ayaw tumanggap ng pasyente. May hospital protocol po kung saan foremost among the consideration is patient care and privacy. Una, malamang St. Luke’s did not see the need for Atty. Lopez to be admitted hence the hospital bed can be given to somebody else esp at this time na madami ang sakit,” ani Garin

Sabi pa niya, kailangan din ikonsidera ang presensya doon ng bise presidente na kailangan ng mahigpit na seguridad.

Bukod pa dito ang posibilidad na magkaroon ng pagtitipon o kilos protesta sa labas ng ospital na makakabalam sa operasyon nito at pagbibigay serbisyo sa iba pang mga pasyente.

“Napakiliit ng area papasok ng ospital, diba? Kung ma-traffic ‘yan at may mga emergency cases hindi agad maaasikaso. Kapag ‘yan emergency situation talaga, hindi nila tatantanan ang pasyente, diba ‘yung iba walang pera, walang pambayad pero agaw-buhay, talagang aasikasuhin ‘yan kasi ‘yan ang obligasyon ng lahat ng ospital,” saad pa ni Garin.

Kasalukuyang nasa Veterans Memorial Medical Center pa rin si Lopez na nakaranas umano ng acute stress disorder. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us