Kinumpirma ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na may na-monitor silang Chinese influence operations na tinatawag nilang Malign, Influence and Interference (MIFI) operations sa lahat ng 17 regions sa Pilipinas at hindi lang sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Sa huling pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa POGO operations sa Pilipinas, sinabi ni NICA Deputy Director General Ashley Acedillo na mukhang walang rehiyon na exempted sa ganitong operasyon.
Gayunpaman, sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung may mga opisyal o empleyado ng gobyerno na sangkot sa ganitong operasyon.
Binahagi rin ng ni Acedillo na may na-monitor rin silang Chinese hackers na tinatawag na APT (advanced persistent threat) groups na tumatarget sa Pilipinas.
Paliwanag ng opisyal, ang APT ay katawagan sa hacking group na maaaaring sponsored o bina-back up-an ng gobyerno ng isang bansa o maaari ring criminal groups.
Nag-alok naman si Acedillo na magkaroon ng executive session sa mga senador para maipaliwanag pa ng husto ang mga impormasyong ito.| ulat ni Nimfa Asuncion