Nangako sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan na palalalimin pa ang kooperation sa iba’t ibang linya, kabilang na ang ekonomiya, trade, at sustainability.
Sa pulong sa Abu Dhabi, binigyang-diin ng dalawang lider ang kanilang dedikasyon sa pagpapatatag ng bilateral ties ng kapwa bansa, upang maibigay ang pangmatagalang benepisyo sa mga mamamayan nito.
Ang pulong na ito ay kasabay na rin ng selebrasyon ng ika-50 taon ng pagkakaibigan ng UAE at Pilipinas.
Sa official visit na ito ni Pangulong Marcos sa UAE, personal nitong ipinaabot ang pasasalamat kay President Al Nahyan para sa tulong ng kanilang bansa sa Pilipinas, kabilang ang pag-aresto at pag-turnover sa Philippine authorities ng isang sex trafficker, maging ang training at suporta nito sa Philippine National Police (PNP).
Ginamit rin ni Pangulong Marcos ang pagkakataon upang ipagpasalamat ang paggagawad ng UAE ng pardon sa 143 Filipinos noong Eid al-Adha, at sa humanitarian aid nito sa mga biktima ng pagbaha sa Pilipinas.
“Almost 700,000 Filipinos are working or staying in the UAE, contributing to the Gulf state’s development. ” —PCO.| ulat ni Racquel Bayan