Palalawakin pa ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabakuna sa mga baboy sa mga lugar na walang African Swine Fever (ASF).
Nais ng DA na manatiling malusog at negatibo sa nasabing sakit ang mga alagang baboy.
Sa ilalim ng Administrative Circular No. 13 ng kagawaran, isasama na sa pagbabakuna ang mga baboy sa mga barangay na walang aktibong kaso ng ASF.
Batay sa tala ng Bureau of Animal Industry, nasa anim na rehiyon at dalawampung lalawigan pa sa bansa ang may aktibong kaso ng ASF.| ulat ni Rey Ferrer