Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga online lenders na umaaktong mga digital banks.
Ayon sa BSP, kelangan mag-apply muna ng mga lenders ng digital banks licenses bago sila mag operate bilang isang banko.
Sa panayam kay BSP Director for Technology Risk and Innovation Supervision Department Melchor Plabasan, sinabi nito na abala ngayon ang BSP para tukuyin ang mga digi-centric institution na may kapasidad na mag-operate bilang digital bank.
Sa ganitong paraan aniya ay maari nang magsumite ng mga requirement ang lending apps para makakuha ng digital bank license.
Dagdag pa ng BSP official, maaari na ring i-convert ng BSP ang lisensya ng mga rural o thrift bank bilang digital bank.
Maalalang tinanggal na ng BSP ang moratorium sa mga bagong digital banking simula January 01, 2025.| ulat ni Melany V. Reyes