DA, may alok na libreng sakay sa mga magtutungong Kadiwa ng Pangulo Expo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magbibigay ng libreng shuttle service ang Department of Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) sa mga nais na bumisita sa Kadiwa ng Pangulo Expo sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ayon sa DA, ito ay para mabawasan ang hassle para sa mga nais na makilahok sa Expo.

Available ang libreng shuttle service sa rutang MRT Taft patungong PICC at vice versa mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Una nang sinabi ng DA na libre ang pagpasok sa KNP Expo. Kailangan lamang na magrehistro sa link: https://tinyurl.com/bdhekpja

Kahapon, naging matagumpay ang unang araw ang Kadiwa ng Pangulo Expo 2024 kung saan higit sa 100 farmer exhibitors ang nagpakilala ng kanilang world-class lokal na produkto at cutting-edge agricultural innovations. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us