Ibinasura ng Supreme Court ang inihaing motion for reconsideration ng Office of the Solicitor General na humihiling na baligtarin ang nauna nitong desisyon na alisin ang Sulu Province sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa desisyon ng SC, sinabi nitong walang naipakita na bagong argumento ang mga petitioners para bawiin ang nauna nilang desisyon.
Base sa naunang ruling ng Kataas-taasang Hukuman, inalis nila ang Sulu sa mga probinsya na sakop ng BARMM dahil sa kakulangan ng tamang proseso na ginawa ang nasabing batas na lumilikha tungkol dito.
Kasama ng Office of the Solicitor General sa mga petitioners ang mga opisyal ng BARMM.
Dahil dito, Final and Executory na ang desisyon ng Supreme Court at hindi na sila tatanggap ng anumang pleadings tungkol dito.
Agad namang padadalhan ng Korte ng desisyon ang magkabilang partido para ipaalam ang naging hatol ng mga mahistrado. | ulat ni Mike Rogas