Welcome ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang desisyon S&P Global na itaas ang credit rating ng Pilipinas sa BBB+ with “Positive Outlook”.
Ayon kay BSP Gov. Eli Remolona, patunay lamang ito ng ginagawa ng gobierno para paghusayin ang economic, fiscal and monetary environment upang magtuloy-tuloy ang paglago.
Tiniyak ng Remolona ang commitment ng BSP na palakasin ang matatag ng presyo, financial stability at episyenteng payment system upang suportahan ang sustainable growth.
Sa statement ng S&P Global Ratings kinilala nito ang epektibong policy making, fiscal reform at mas mahusay na infrastracture and policy environment.
Ayon pa sa S&P possibleng makamit ng bansa ang “A-” rating sa loob ng dalawang taon– bagay na makatutulong para bumaba ang borrowing cost ng Pilipinas at mas makaakit ng mga investors.
Samantala.. kinilala rin ng S&P ang matibay na Sentral Bank dahil sa oversight nito sa financial sector na nakapag ambag sa katatagan ng ekonomiya. | ulat ni Melany Reyes