Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Daang Bakal sa Mandaluyong City, umarangkada na

Nagsimula nang magbenta ng murang bigas sa Kadiwa ng Pangulo sa Barangay Hall ng Brgy. Daang Bakal sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga. Pinangunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel ang pagpapasinaya sa bagong Kadiwa site na kabilang sa 20 bagong puwesto para sa mga murang bilihin. Sinamahan siya ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de… Continue reading Kadiwa ng Pangulo sa Brgy. Daang Bakal sa Mandaluyong City, umarangkada na

DSWD, binalangkas na ang mga kondisyon para sa ‘First 1,000 Day’ grant ng 4Ps

Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kondisyon para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) sa 4Ps beneficiaries. Ayon kay DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4Ps) Undersecretary Vilma Cabrera, sisimulang ipatupad ang F1KD cash grant sa 2025 na ilalaan sa mga benepisyaryong buntis at lactating mothers na may… Continue reading DSWD, binalangkas na ang mga kondisyon para sa ‘First 1,000 Day’ grant ng 4Ps

Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni PBBM para sa mabilis na negosasyon sa binubuong South China Sea Code of Conduct

Sinuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisan ang negosasyon para matapos na ang ASEAN-China Code of Conduct (COC) at matiyak ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea. Sa ika-27 ASEAN-China Summit sa Laos, binanggit ni Pangulong Marcos ang panggigipit ng China Coast Guard sa… Continue reading Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni PBBM para sa mabilis na negosasyon sa binubuong South China Sea Code of Conduct

Higit 5,000 motorista, nahuli ng LTO-NCR sa ikatlong quarter ng 2024

Umabot sa mahigit 5,000 pasaway na motorista ang natiketan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa pinaigting na kampanya laban sa traffic violators. Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III, nasa kabuuang 5,769 mga drayber ang nahuli mula Hulyo hanggang nitong Setyembre. Batay sa datos mula sa LTO-NCR- Regional Law Enforcement Service… Continue reading Higit 5,000 motorista, nahuli ng LTO-NCR sa ikatlong quarter ng 2024

Alegasyon ng pagiging Chinese spy ni dismissed Mayor Alice Guo, dapat beripikahin ng mga awtoridad — SP Chiz Escudero

Iginiit ni Senate President Chiz Escudero na dapat lang magkaroon ng sariling imbestigasyon at beripikahin ng mga awtoridad ng Pilipinas ang testimonya ng self-confessed Chinese spy na si She Zhijiang na espiya rin si dating Mayor Alice Guo. Ayon kay Escudero, dapat ang mga awtoridad na natin ang magsumikap na kunin ang testimonya ni She… Continue reading Alegasyon ng pagiging Chinese spy ni dismissed Mayor Alice Guo, dapat beripikahin ng mga awtoridad — SP Chiz Escudero

Pagbibigay ng karagdagang healthcare benefits sa mga Pulis, pinagtibay ng PNP at pribadong sektor

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine National Police (PNP) para sa Health Maintenance Organization (HMO) ng mga Pulis. Ang naturang MOU ay sa pagitan ng Public Safety and Mutual Benefits Fund, Inc. at Medicare Plus, Inc. na nilagdaan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil. Layon nitong makapagbigay ng comprehensive healthcare… Continue reading Pagbibigay ng karagdagang healthcare benefits sa mga Pulis, pinagtibay ng PNP at pribadong sektor

Lasing na motorista sa viral video sa BGC, ipinatawag na ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) ang motorista sa viral video sa Bonifacio Global City (BGC) na tila nagmamaneho ng lasing. Natukoy na naganap ang insidente noong September 23 sa kahabaan ng 7th Avenue sa Bonifacio High Street at naging viral sa post ng isang “Hombre Estu” na may… Continue reading Lasing na motorista sa viral video sa BGC, ipinatawag na ng LTO

Mga residenteng malapit sa Bulkang Taal, muling inalerto kasunod ng nagpapatuloy na aktibidad ng bulkan

Muling nagpaaalala ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC)-CALABARZON sa publiko na manatiling alerto at paigtingin ang kahandaan kasunod ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal. Ayon sa RDRRMC, dapat laging isaalang-alang ang posibilidad ng pagputok ng Taal dahil isa itong aktibong bulkan. Bagama’t patuloy ang steam-driven phreatic eruptions o ang mga nakaraang… Continue reading Mga residenteng malapit sa Bulkang Taal, muling inalerto kasunod ng nagpapatuloy na aktibidad ng bulkan

20 bagong Kadiwa ng Pangulo sites, magbubukas ngayong araw

Bilang bahagi ng pinalawak na programang Kadiwa ng Pangulo, karagdagang 20 Kadiwa sites pa ang bubuksan ng Department of Agriculture (DA) simula ngayong araw. Ayon sa DA, kabilang sa mga lugar na may bagong lokasyon ng Kadiwa outlet ang Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Navotas, Quezon City, at Calamba sa Laguna: Layon nitong mapalawak pa… Continue reading 20 bagong Kadiwa ng Pangulo sites, magbubukas ngayong araw

DA Sec. Tiu Laurel, pangungunahan ang pagbubukas ng bagong Kadiwa site sa Mandaluyong City ngayong araw

Pangungunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel ang pagbubukas sa bagong Kadiwa ng Pangulo site sa Mandaluyong City ngayong araw. Ayon sa DA, partikular na iinspeksyunin ng kalihim ang Barangay Hall ng Brgy. Daang Bakal sa nasabing lungsod na kabilang sa 20 Kadiwa site na sabay-sabay ding magbubukas. Dito, makabibili ang ating… Continue reading DA Sec. Tiu Laurel, pangungunahan ang pagbubukas ng bagong Kadiwa site sa Mandaluyong City ngayong araw