OVP, PCSO, lumagda ng MOA para mabigyan ng pondo ang medical assistance program na itinutulong sa taumbayan

Lumagda ng isang Memoradum of Agreement ang Office of the Vice President at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mabigyan ng karagdang pondo ang Medical Assistance Program ng OVP sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sa naturang MOA ay mag-aaloka ang PCSO ng nasa ₱10-milyong piso sa OVP upang mas marami pang matulungan sa kanilang mga… Continue reading OVP, PCSO, lumagda ng MOA para mabigyan ng pondo ang medical assistance program na itinutulong sa taumbayan

DILG, nakatutok na sa LGUs na patuloy na inuulan dahil sa habagat at bagyong Falcon

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang sitwasyon ng mga lalawigang nakararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan dahil sa pag-iral ng habagat na pinalalakas ng Severe Tropical Storm (STS) Falcon. Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay nakikipagtulungan na… Continue reading DILG, nakatutok na sa LGUs na patuloy na inuulan dahil sa habagat at bagyong Falcon

DOTr at Japan Int’l Cooperation Agency, nakatakdang maglunsad ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre

Upang mas mapaigting pa ang pakikipag-partnership ng bansang Japan at Pilipinas pagdating sa sektor ng railway system ng ating bansa, nakatakdang magsagawa ang Department of Transportation (DOTr) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre. Ayon sa DOTr, layon ng naturang conference na mapag-usapan ang mga makabagong innovations… Continue reading DOTr at Japan Int’l Cooperation Agency, nakatakdang maglunsad ng Philippine Railway Conference sa darating na Oktubre

97 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation center sa Malanday, Valenzuela

Aabot sa 97 pamilya o katumbas ng 366 indibidwal ang nananatili ngayon sa Andres Fernando Elementary School na nagsisilbing evacuation site dito sa Malanday, Valenzuela. Inilikas ang mga residente noon pang July 28 bilang bahagi ng preemptive measure ng pamahalaang lungsod kasunod ng pagbubukas ng floodgates dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat at bagyong… Continue reading 97 pamilya, nananatili pa rin sa evacuation center sa Malanday, Valenzuela

Larong Pinoy, tampok sa gaganaping Palarong Pambansa ngayong araw — DepEd

Nais ng Department of Education (DepEd) na maisama pa rin ang larong Pinoy sa taunang Palarong Pambansa upang mapreserba at mai-promote pa rin sa ating mga mag-aaral at kabataan sa bansa. Ayon kay Education Assistant Secretary for Operations Francis Cesar Bringas, ito’y upang maipakilala sa mga susunod na henerasyon ang mga larong Pinoy na minana… Continue reading Larong Pinoy, tampok sa gaganaping Palarong Pambansa ngayong araw — DepEd

Mga paaralang napinsala ng bagyong Egay, sisikaping maihanda bago magsimula ang muling pagbubukas ng klase sa Agosto — PBBM

Tiniiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gagawin ng pamahalaan ang lahat para maigayak ang mga paaralan na nagtamo ng pagkasira nitong nagdaang bagyong Egay. Ito’y upang magamit sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan. Sinabi ng Pangulo na pagsisikapan ng pamahalaang maihanda ang mga paaralan para sa nalalabing Isang buwan bago… Continue reading Mga paaralang napinsala ng bagyong Egay, sisikaping maihanda bago magsimula ang muling pagbubukas ng klase sa Agosto — PBBM

DSWD, nakapaglaan na ng ₱131-M ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Inihahanda na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang tulong nito para sa mga biktima ng bagyong Egay at ng habagat. Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglalaan ang pamahalaan ng housing repair assistance at “emergency support” para sa mga residenteng napinsala ang mga tahanan… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng ₱131-M ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

DSWD, nakapaglaan na ng ₱131-M ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Tuloy-tuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha dahil sa habagat at bagyong Egay. Ayon sa DSWD, umakyat na sa higit ₱131-million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi nito katuwang ang LGUs sa mga apektadong residente mula sa Regions I, II, III,… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng ₱131-M ayuda sa mga apektado ng habagat at bagyong Egay

Mga naapektuhang residente ng bagyong Egay na nakaalis na sa evacuation centers, pinatitiyak ni PBBM na patuloy na mahahatiran ng tulong

Patuloy na pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga naapektuhang residente ng nagdaang bagyo na nakauwi na sa kani-kanilang mga tahanan. Ang mga ito ayon sa Pangulo ay lalo na sa hanay ng mga may pangangailangang medikal gaya ng matatanda na kailangang mahatiran ng kanilang maintenance. Sinabi ng Punong Ehekutibo na batid naman… Continue reading Mga naapektuhang residente ng bagyong Egay na nakaalis na sa evacuation centers, pinatitiyak ni PBBM na patuloy na mahahatiran ng tulong

DSWD, nanawagan ng volunteers para mag-repack ng food packs na ihahatid sa mga biktima ng bagyong Egay at Falcon

Nangangailangan ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang volunteers para tumulong sa repacking ng mga family food packs na ihahatid sa mga biktima ng magkasunod na bagyong Egay at Falcon. Sa inilabas na abiso ng DSWD, partikular na nananawagan ito ng volunteers sa kanilangrepacking center sa DSWD-National Resource Operations Center, na… Continue reading DSWD, nanawagan ng volunteers para mag-repack ng food packs na ihahatid sa mga biktima ng bagyong Egay at Falcon