Heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales at Bataan; Metro Manila, inaasahang uulanin din

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Luzon dahil sa mga pag-ulang dulot ng habagat na pinaiigting ng bagyong Falcon. Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, kaninang alas-5 ng umaga, umiiral ang orange warning sa Zambales, at Bataan. Sa ilalim nito, nagbabadya ang patuloy ang pagbaha sa mabababang lugar at may banta… Continue reading Heavy rainfall warning, nakataas sa Zambales at Bataan; Metro Manila, inaasahang uulanin din

Panukalang Ease of Paying Taxes, ipinanawagan na sertipikahan bilang urgent

Hiniling ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sertipikahan bilang urgent ang panukalang Ease of Paying Taxes. Ang naturang panukala ay pinagtibay na ng Kamara habang nakabinbin naman sa Senado. Ayon kay Salceda oras na i-certify as urgent ang EOPT Bill ay maaari itong aprubahan ng… Continue reading Panukalang Ease of Paying Taxes, ipinanawagan na sertipikahan bilang urgent

Pagsusuot ng life jacket sa motorized bancas, gawing mandatory — isang mambabatas

Nanawagan si Quezon City Representative Marvin Rillo na obligahin ang lahat ng pasahero na sasakay ng motorized bancas na magsuot ng life vest o life jacket. Ang apela ng mambabatas ay kasunod ng paglubog ng MB Aya Express sa Laguna Lake habang papunta ng Talim Island kung saan hindi bababa sa 27 katao ang nasawi.… Continue reading Pagsusuot ng life jacket sa motorized bancas, gawing mandatory — isang mambabatas

AFP Chief, bukas sa pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang China

Bukas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa possibilidad ng pagkakaroon ng Joint Military Exercises kasama ang China. Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kaugnay ng naturang suhestyon ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Ayon kay Gen. Brawner, ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mismong… Continue reading AFP Chief, bukas sa pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang China

Seguridad para sa Palarong Pambansa, siniguro ng PNP

Nakalatag na ang seguridad na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) para sa Palarong Pambansa na magbubukas ngayong araw sa Marikina City. Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Police Brig. Gen. Wilson Asueta, naka-full alert status ang kanilang buong pwersa simula ngayong araw. Tatagal ito hanggang sa pagtatapos ng Palaro sa August 5. Sinabi… Continue reading Seguridad para sa Palarong Pambansa, siniguro ng PNP

Sen. Cayetano, nanawagan sa mga kapwa senador na makipag-usap muna kay PBBM bago gumawa ng agresibong aksyon sa West Philippine Sea

Nanindigan si Senador Alan Peter Cayetano na dapat munang ipagpaliban ng Senado ang pagpapasa ng resolusyon na hihiling na iakyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ang aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) habang hindi pa nalalaman ang diskarte ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa WPS. Ito ang paliwanag ni Cayetano sa… Continue reading Sen. Cayetano, nanawagan sa mga kapwa senador na makipag-usap muna kay PBBM bago gumawa ng agresibong aksyon sa West Philippine Sea

Senado, pinag-aaralan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtaob ng motorbanca sa Laguna de Bay

Kinokonsidera na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang pagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa motorbanca ng tumaob sa Laguna Lake at ikinasawi ng higit 20 katao. Partikular na sisilipin ng Senado ang pagpapahintulot ng Philippine Coast Guard na maglayag ang motorbanca ilang oras matapos lumabas sa Philippine Area of Responsibiliity (PAR) ang bagyong Egay. Sinabi… Continue reading Senado, pinag-aaralan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagtaob ng motorbanca sa Laguna de Bay

Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

Suportado ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng Executive Order 18 na nag-aatas sa pagtatatag Green Lanes para sa pagtataguyod ng istratehikong pamumuhunan. Pahayag ito ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio nang dumalo ito sa launching at covenant signing ng EO sa Pasay City kamakailan. Dahil dito, sinabi ni Rubio na sa pamamagitan nito ay… Continue reading Pagpapatupad ng EO-18 na nagtatakda ng ‘green lanes for strategic investments,’ suportado ng BOC

DTI Sec. Pascual, hinikayat ang Malaysian businesses na mamuhunan sa Pilipinas

Hinikayat ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na mamuhunan sa bansa kung saan binigyang diin nito ang mga mid-tier Malaysian companies na dapat ikonsidera ang Pilipinas bilang strategic choice sa kanilang operational expansion. Sa kanyang talumpati, sinabi ng kalihim sa harap ng mga kasapi ng Malaysian International Chamber of Commerce and… Continue reading DTI Sec. Pascual, hinikayat ang Malaysian businesses na mamuhunan sa Pilipinas

DTI, nagbabala vs. establisimyentong lalabag sa ‘automatic price freeze’ sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Egay

Nagpaalala si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual sa mga business establishments na sundin ang “price freeze” para sa mga basic commodities, kasunod ng malalakas na hangin at ulan at pinsalang naidulot ng bagyong Egay sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, at Central Luzon. Ayon sa kalihim, mahigpit ang kanilang… Continue reading DTI, nagbabala vs. establisimyentong lalabag sa ‘automatic price freeze’ sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Egay